Magandang araw sa lahat!
Bilang pagsisimula sa selebrasyon ng World Antimicrobial Resistance Awareness Week, magsasagawa ang Department of Health ng isang High-Level Media Forum sa darating na Nobyembre 18, 2021, 9am-11am.
Inaanyayahan ang mga media partners na dumalo sa forum kung saan magiging tagapagsalita ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong organisasyon na may kinalaman sa pagpapalaganap ng AMR awareness.
Bukas din sa publiko ang naturang kaganapan kaya mag-register na gamit ang QR Code sa Ibaba. Maraming Salamat!